I have jsut read this Editorial in PNS (Pilipino Star Ngayon) newspaper by Korina Sanchez... Just go over with it and let's give our commentaries...the pros & cons..... (unya na ko mo comment... busy pa ko sa work charrrr..!)


Desidido ang DepEd na dagdagan ng dalawang taon ang basic education sa Pilipinas, pero dumadami na rin ang mga tumututol sa pagpapatupad nito. Ang Pilipinas na lang kasi ang gumagamit pa ng 10-taong edukasyon sa grade school at high school sa rehiyon. Lahat ay nasa programang 12-taon ng pangunahing edukasyon. Nabigyan ng atensyon ang isyung ito dahil marami sa ating mga kabababayan ang tinatanggihan ng trabaho sa abroad, dahil daw masyadong bata, na bunsod nga sa kakulangan ng taon sa pag-aaral. Kung bakit hindi pinalitan ang programa mula sa 10 taon ay hindi pa matiyak, lalo na kung ang mga kalapit nating bansa ay matagal nang nasa 12-taon.

Kaya may mga tumututol. Para sa maraming paaralan, dalawang taon ang idadagdag. Dalawang taon ng pagbubuno ng gastos para lamang makapagtapos ang mga anak. Para sa mga mahihirap, hindi maliit na bagay ang karagdagang gastos. At kadalasan ay ang anak na nakapagtapos nga ang pag-asa para makaahon sa buhay ang isang pamilya. Mahaba nga naman ang dalawang taon kung idadagdag nga ito sa kasalukuyang curriculum. Dalawang taon na sanang nakapagtrabaho. Pero tingnan din natin ang mga benepisyo ng bagong sistema.

Mas may laban muli ang mga Pilipino sa paghahanap ng trabaho sa buong mundo. Hindi magiging mababa ang tingin sa atin dahil bukod sa sapat na ang bilang ng taon sa pag-aaral, likhang magaling ang Pilipinong aral! Nagulat ako nang malaman ko na may mga tinanggihan ng trabaho dahil sa sobra raw silang bata! Ganun nga ang mangyayari kung 10-taon lang nag-aral bago mag-kolehiyo. Maayos mag-Ingles ang nakapagtapos ng kolehiyo, na mahalaga kung sa ibang bansa planong magtrabaho.

Sa Oktubre planong ipakita ang bagong programa sa mamamayan. Maganda kung may mga solusyon na rin sila para sa mga pag-aalangan ng marami hinggil sa karagdagang mga taon. Mga programa para makatulong sa mga gastos na dala ng mas mahabang panahong pag-aaral. Iyon lang naman siguro ang pangunahing nasa isipan ng marami.

Kung makikinabang din naman ang mga pamilya ng mga makakatapos sa bagong programa, bakit hindi? Puhunan nga ang edukasyon, ika nga. May kasabihan na kung sa tingin mo ay mahal ang isang edukasyon, subukan mong maging mangmang.

Personally, para sa akin sang-ayon ako sa karagdagang dalawang (2) taon sa pag-aaral kung ito lang ang tanging paraan para maging more competitive ang ating mga graduates.. despite the fact that, maraming  hindi nakapag-aral dahilan sa kahirapan.. kakaposan ng perang pangtustos… as the saying goes “Poverty is not a Hindrance to Success” (Elementary pa man ko ani, hehehehe..naa ni gi post ibabaw sa blackboard..) for me, there are lots of things to be considered… kahit na mapera man ang iyong parents kung talagang “happy go lucky” yong estudyante… zero pa rin ang kalalabasan.. In our own vernacular kung “mamayabas” okey lang siguro kung ang bayabas, hinog..! hehehehehe…what if kung hilaw ang bayabas, giulod pa..! yuckszzz..!!!   It’s quite a reality na may mga anak rin na suwail sa mga parents, nabo –bored na nga sa four (4) years in high & college (except for some courses that require five years..) how much more na dadagdagan pa ng dalawang taon? gastos talaga..(prenda ang kabaw aning kalakiha, hehehe).... in life's reality, may mga estudyante rin na gusto talagang makatapos sa pag-aaral kahit na kapos ang mga magulang, they come into “prosti-tuition”… sad to hear about that pero ika nga, life sometimes is just like  gambling, pakikipagsapalaran, ika nga..you must have to gamble…sometimes it’s hurt to accept the reality… but if  it's only the mean to set you free so  face it.. ”No guts No Glory” after all, hindi yan forever.. tutuwid ka rin ng landas dahil alam mo mali yan.. kapit sa patalim and forget about the past…it’s about time to heal a  broken  heart once you receive your DIPLOMA bonus pa if you can graduate in college with FLYING COLORS… “Summa Cum Laude” pwede na rin “Cum Laude” (wow..! only in my dreams..) ika nga, according to PNoy, dito na tayo sa landas na matuwid..

However, if our government  persists to pursue and add more two (2) years in our basic years in Education.. (nasanayan na rin natin..) Does it mean a GUARANTEE a ZERO percent jobless or UNEMPLOYMENT in our beloved Philippines… my Philippines…???????    (Pangutana..? nga nagtangag ug dakong ganti..). basin gasto ray nagdako walay “return of investment  (ROI) hehehe…

I remember I have a schoolmate before at the University of  San Jose –Recoletos- Cebu , she’s a girl, at the age of twenty (20) she graduated BSC-Accounting at the same time she’s a member of Adelante Dance Troup.. at officer pa rin sa mga various organizations, so kung iisipin natin “busy girl” talaga siya but mind you… she graduated “SUMMA CUM LAUDE”.. (nakakainggit..hehehe..). nahurot na'ng akong belib sa iya... as in Salute..!Hindi sa pagmamayabang magaling ang pinoy, kahit sa ibang bansa…. may ibubuga..! “Small but terrible..”

1- Dagdag problema sa pamilya ang gastusin sa dagdag na 2 taon, na halos sa pagkain lang ang abutin ng sweldo ng ating mga ordinaryong magulang.
2- Ang anim na taon sa elementarya at apat na taon sa high school ay hindi dahilan ng mababang produkto ng mga graduates natin kundi kakulangan ng tamang pagpaaral na ginawa ng mga paaralan, lalo na ng publikong paaralan, (sampol), sobrang estudyante sa isang classroom, kakulangan ng libro, mababang kalibre ng mga titser (noong ating panahon ang mga engineers, mga key men sa LBLCI ang mga asawa ay titsers) ngunit ngayon karamihan dahil sa hindi attractive (financially) ang suhulan ng guro kaya ang mga magagaling ay kumuha ng ibang kurso.     

Parang di ko gaano maintindihan kung ano talaga ang problema bakit tinanggihan sa trabaho. Kulang ba sa edad as in masyadong bata? o kulang sa aral o kulang pa ang alam. Kung kulang sa aral o alam dagdagan aral. Pero kung tinanggihan sa trabaho dahil bata pa dagdagan edad. Simply di ba? Paano dagdagan edad. Eh di magtrabaho muna dito sa ating bansa. Kaya ang idagdag hindi taon ng pag aaral kundi trabaho. Jobs, jobs and jobs. Makatulong both sa graduate at sa parents dahil sumasahod na sya. Nakagain pa ng experience. Kung tama na edad nya at gusto nya pang magwork abroad, well equipped na sya with age and experience. Sa palagay nyo? Akin opinion lang.