Hanapan ang Blog na Ito

Lunes, Pebrero 7, 2011

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

                    Napili ng mga mananaliksik na gawing respondente ang ilan sa mga guro ng Maypajo Integrated School.
Populasyon
                                 Kalahok                                            Bilang ng kalahok
                           Guro ng Sekundarya                                             13
Kalahok Sa Pag-Aaral
                                  Kalahok sa pananaliksik na ito ang labingtatlong  guro sa sekundarya mula sa Maypajo Integrated School.

Hakbang Sa Paglikom Ng Mga Datos
                                  Naghanda muna ang mga mananaliksik ng mga talatanungan at pinasagutan sa mga respondente. Pagkatapos ay pinag-isa ang mga magkakaparehong sagot. Kinuha ang bahagdan o porsyento ng mga magkakaparehong sagot ng mga respondente sa bawat tanong sa talatanungan. Masusing  pinag-aralan at ginawan ng pagbubuod at konklusyon ang mga sagot ng mga respondente.  Sa paraang ito ay nakuha ang pananaw ng mga respondente ukol sa pagdaragdag ng taon sa elementarya at high school
Pamamaraang ginamit sa Pananaliksik
Statistical Tools
                          Ginamit bilang statistical tool sa pagtitimbang at pagsukat ng mga data

ang percentage technique sa pananaliksik na ito.
 
                       Ginagamit ang percentage technique upang makita ang kinalabasan ng ginawang pagsusuri batay sa mga sagot ng mga respondente. Ginagamit din ito upang makuha ang

kalahatang bahagdan ng bilang ng pare-parehong mga sagot sa isang partikular na tanong. Ang ginamit na pormula ay ang:  
Kung saan:
n = bilang ng sagot
% = bahagdan
N = bilang ng respondente

RESPONDENTE:
1.   Reaksyon sa Bagong Memorandum ng Kagawaran ng Edukasyon ukol sa pagdaragdag ng isang taon sa elementary at sekundarya.
                   Sang-ayon:   6/13 x 100 = 46%          Di-sang-ayon:  7/13x100 =54%

2.    Mga aspeto na nakaapekto sa Bagong Memorandum na ito:
A.    Sa Sang-Ayon:
·                Para sa pagtaas ng kalidad ng edukasyon sa bansa--   3/13 x 100 = 23%
·                Makadaragdag ng kaalaman ng mga mag-aaral--        2/13 x 100 = 15%
·                Tumulad sa sistema ng edukasyon sa ibang bansa--   1/13 x 100 = 8%
B.      Sa Di-Sang-Ayon: 
·                Problemang Pinansyal--  1/13 x 100 = 8%
·                Kulang sa pasilidad at guro--  5/13 x 100 = 38%
·                Mas marami pang problemang dapat pagtuunan ng panin ang gobyerno--1/13 x 100 = 8%
3.      Mga palagay sa kagustuhang pagpapatupad ng memorandum ng Kagawaran ng Edukasyon.
·                Para sa pagtaas ng kalidad ng Edukasyon--  11/13 x 100 = 85%
·                Iba pang Palagay-- 2/13 x 100 = 15%

4.      Mga maaaring mabuting  dulot ng memorandum na ito:
·                Mas mapagtutuunan ng pansin ang ilang pangangailangn sa aspetong pang-edukasyon       1/13 x 100 = 8%
·                Mahahasa ang kaalaman ng mga mag-aaral--  1/13 x 100 = 8%
·                Madaragdagan ang mga natutunan ng mga mag-aaral--  8/13 x 100 = 61%
·                Mapapaunlad ang kalidad ng edukasyon-- 3/13 x 100= 23%

5.      Mga maaaring masamang  dulot ng memorandum na ito;
·                Mawawalan ng gana ang mga estudyante sa pag-aaral %= 2/13 x 100 = 15%
·                Dagdag gastusin sa magulang %= 9/13 x 100= 69%
·                Kakulangan ng mga kagamitan sa paaralan  %= 1/13 x 100 = 8%
·                Iba pang sagot %=1/13 x 100= 8 %

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Talatanungan
                                 Ito ay isang pangunahing instrumento na ginamit sa aming pananaliksik. Ang talatanungan ay naglalaman ng mga maaaring maging reaksyon ng mga respondente sa memorandum ng Kagawaran ng Edukasyon ukol sa pagdaragdag ng dalawang taon sa antas ng

edukasyon. Ang mga respondente ay nagbigay ng kanilang kooperasyon sa bawat tanong na aming ibinigay. Sa pamamagitan ng talatanungan, nalalaman ang tunay na pananaw ng mga respondente. Lalong lalo ng mga guro na isa sa mga maaapektuhan sa pagpapatupad ng memorandum na ito.
                                   Ang talatanungan ang pinakamabilis at pinakamabisang instrumento sa pagkalap ng impormasyon. Pagkatapos itong masagutan ng mga respondente ay agad isinagawa ang pagtatally  sa bawat sagot ng mga katanungan. At susunod dito ay ang paggawa ng  grap na nakabase sa mga sagot ng mga respondent.

INTERBYU
                             Ang interbyu ay ginagamitan ng pagtatanung sa isang respondente ng personal. Ito ay isang epektibong pamamaraan dahil ang bawat sagot ng kalahok o respondente ay agad na maipararating sa nag-iinterbyu. Ang bawat sagot ng kalahok ay pinag-iisipang mabuti bago ito maparating sa nag interbyu.

12 komento:

  1. hi i'm a freshmen college student looking for a related studies to put in my rrl for our thesis. and i'm very interested in putting your work in it with your work. by that i'll be needing the name of each person who contributed in your thesis thank you ang have a nice day.

    TumugonBurahin
  2. Please provide the author of this work. I need to put the credits to them for my thesis. Thank you

    TumugonBurahin
  3. Malaking tulong po ito sa amin :) Salamat po ng marami

    TumugonBurahin
  4. salamat po, napakalaking tulong talaga

    TumugonBurahin