Hanapan ang Blog na Ito

Ikinakarga...

Lunes, Pebrero 7, 2011

KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON



                  Nag-umpisa ang pananaliksik na ito sa layunin ng mga mananaliksik na malaman ang reaksyon/tugon ng mga guro sa memorandum ng DepEd na K+12. Gayundin  ang mga aspeto tungkol sa nasabing programa at malaman ang mabuti at di-mabuting magiging dulot nito.Nagsimula ang mga mananaliksik sa paghanap sa internet ng mga ideya at impormasyon tungkol sa kanilang paksang pagdaragdag ng dalawang taon sa antas ng edukasyon.Pumili din ang mga mananaliksik ng paraan ng pananaliksik na  gagamitin at napili ang pagsasarbey. Sa pagsusurbey, pumili sila ng mga kalahok sa pag-aaral na ito at napili nilang magsarbey sa ilang guro sa Maypajo Integrated School. Sunod na ginawa ay ang paghahanda at paggawa ng mga talatanungan pasasagutan sa mga respondente. At pagkatapos ay binilang at pinag-isa nila ang mga magkakaparehong sagot sa bawat tanong. Sa mga pinag-isang katanungan, kinuha ang bahagdan o porsyento nito sa kalahatang bilang ng mga respondente. Dito nadetermina nila kung gaano karami ang mga gurong hindi sang-ayon sa memorandum ito.  Masusing pinaghambing ang mga resulta at inanalisa. Lumalabas sa pagsusuri ng mga mananaliksik na karamihan sa mga respondente ay  hindi sumasang-ayon sa halos kalahatan ng mga katanungang kanilang ibinigay. Alam nilang malaki ang kaugnayan ng mga guro  sa usaping ito sapagkat sila ang nagtuturo sa mga mag-aaral.Sa mga mananaliksik naman, nakuha na nila ang kanilang mga ninanais na mga kasagutan at katanungan nila. Higit sa lahat nakamit nila at nagawa kung ano ang kanilang layunin sa pag-aaral na ito.



KONKLUSYON

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na konklusyon:
A.           Ang mga guro ay hindi sang- ayon sa bagong memorandum ng Kagawaran ng Edukasyon.
B.            Ang pangunahing dahilan kung bakit tinutulan ng mga guro ang bagong memorandum ng Kagawaran ng Edukasyon ay ang kakulangan ng mga pasilidad at mga guro.
C.            Para naman sa pananaw ng mga guro kung bakit ito ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon ay upang mapataas ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa dahil kapansin-pansing patuloy ang pagbaba nito at maraming kabataan ang nag-aaral pero wala namang natutunan.
D.           Para naman sa mga guro ang maaaring maging mabuting dulot nito kung sakaling ito ay maipatupad ay mas maraming matutunan ang mga mag-aaral.
E.            Para naman sa mga guro, ang maaaring maging masamang dulot nito kung sakaling ito ay maipatupad ay ang dagdag gastusin para sa mga magulang.
  

REKOMENDASYON

A.           Para sa pamahalaan, mas pagtuunan nila ng pansin ang mas malalang problema sa ating bayan kaysa sa edukasyon dahil ginagawa lang nila ito para mapagtakpan ang ibang problema.

B.            Para sa mga magulang,  pagtuunan nila ng pansin ang kanilang mga anak lalong lalo na pagdating sa kanilang pag-aaral para masubaybayan nila  at hindi maligaw ng landas ang kanilang mga anak.

C.             Para sa mga guro, pagbutihin nila ang kanilang pagtuturo . huwag nilang hahayaan ang mag-aaral na makatapos ng isang antas ng edukasyon ng hindi naman angkop sa kanilang abilidad.

D.            Para sa mga mag-aaral, pagbutihan nila ang kanilang pag-aaral nang sa gayun magkaroon sila ng magandang kinabukasan at maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansa.

E.             Para sa iba pang mananaliksik , ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng marami at higit pang mahahalagang datos o impormasyong maaaaring makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa pagdaragdag ng dalawang taon sa antas ng edukasyon.

6 (na) komento:

  1. salamat po! malaki po ang naitutulong ng artikulong ito sa aking konseptong papel.tnx so much

    TumugonBurahin
  2. thank you po . May thesis din kami . but not same title . I have idea . tungkol sa Rekomendasyon :)

    TumugonBurahin
  3. thank you so much for being a great help :) muchas gracias!

    TumugonBurahin
  4. thank you sa tulong .. sa mga information .. laking tulong sa akin .. pati na rin sa mga matutulongan pa nitong blog na ito :)

    TumugonBurahin